my own little shoe box...

My sanctuary--where my thoughts dwell...where my emotions are confined...where I put the pieces together.

Sunday, November 05, 2006

Ikaw Tuwing Alas Sais ng Umaga: Mga Walang Kwentang Bagay na Naiisip Ko Bago Ako Umuwi

wag mo akong tingnan
na parang nanabik ka
kahit hindi na...
dahil
hindi ko kayang
salubungin ng tingin
ang mga mata mong
pinamamahayan ng mga
salitang pinangarap
kong marinig sayo...
sinabi ko na'ng lahat
siguro maliban sa
kagustuhan kong
ulit ulitin sa'yo ang mga
katagang...
pinananabikan kita araw araw
at
nahihirapan ako...

kung "nabubuhay" ka pa sana,
e di sana masaya.